Friday, July 23, 2010

"Resibo sa palengke?"

"Resibo sa palengke?"
(isinulat ko noong nakaraang huwebes sa aking pader sa FB)


Resibo sa palengke?

Ang mabigat na dahilan kung bakit marami pa rin ang mga nagtitinda sa bangketa ay dahil 'di sumasapat ang kinikita nila, unang-una na sa lahat!

'Di ito mahirap intindihin. Hindi nga identified ang ganitong kabuhayan kung babasehin sa 'mga uri ng negosyo' ng pamahalaan. Dahil ang pinakamaliit ngang uri ng negosyo (o micro) ay nangangailangan ng minimum na P10k na puhunan para marehistro.

Ang 'di nasasaklaw ng kategoryang ito... tinatawag na lang na 'informal'. Taguri pa lang, nakapanlulumo na. Sori na lang ano kung wala kang malaking puhunan.

Dahil kung nangangarap ka pang mabigyan ng assistance ng pamahalaan (lokal man o nasyunal), manigas ka na lang sa inggit dahil ang nakakapag-enjoy lang ng serbisyong ito ay muli... yung mga nasasaklaw lang ng mga kategoryang nasa listahan ng gubyerno.

Mabalik sa usapan...

Kung susuriin, ilan nga lang ba talaga ang may lehitimong pwesto sa palengke... na nagi-issue rin naman ng resibo kung humihingi ang mamimili.

Alam ko ito dahil namamalengke ako sa ating mga pamilihang bayan na unti-unti na ring natatalo sa kumpitensya ng naglalakihang de-aircon, malinis at minsa'y mabango ring mga supermarket.

Kung tutuusin rin, mas marami sa mga may pwesto sa palengke ang maliliit lang na mga tindahan. Kadalasan, sapat lang din ang kinikita para muli pang paikutin ang pera para sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya at maliit na kabuhayan.

Mangilang-beses rin na akong nakasaksi ng mga may pwesto sa palengke na 'di na kinaya ang pagkalugi. Marami nito ay naroon sa mga palengke sa probinsya. Nagawan ko pa ng maikling dokumentaryo ito noong nasa kolehiyo pa ako.

Ganito na ba talaga ka-desperado ang pamahalaan para solusyunan ang malaking deficit sa badyet? Wala na ba talaga itong mapigang ibang matalinong solusyon?

'Di ba't bagong-upo lang naman ang karamihan sa kanila, sa ngayon pa lang ba ay wala na silang maisip na makatarungan na paraan para makalikom ng sapat ang kaban ng bayan?

At ang isa pang tanong, kasali ba sa kailangang magbigay ng resibo ang mga mayor na nagtitinda sa palengke na napawesto lamang sa mga bangketa? Kung magkakagayon... nakakatawa ito na nakakainis.

Sa ibang bansa nga na gaya na lang ng iba pang developing states ng timog-silangang asya, mas lalo pang binibigyan ng assistance ang maliliit na 'tyangge'. May espesyal ring paraan ng pagbubuwis sa kanila na 'di nakasasama sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan, bagkos ay lalo pang nagbibigay sa kanila ng motibasyon na lalupang seroyosohin ang pagpapalago ng kabuhayan.

Kaya't patok na patok ang mga tyangge sa mga bayang gaya ng Thailand, India at Vietnam.

Samantala, mabalik rito sa atin... ano nga bang patuloy na dinaranas ng mga tindero at tindera sa bangketa at palengke natin?

Natural... eh 'di harassment na walang humpay mula sa pulis, barangay, MMDA, sindikato... kanino pa?

Imbes na tulungan sila na lalo pang pagandahin at diskartehan ang paraan ng kanilang pagtitinda para magmukha silang atraksyon (imbes na sakit sa paningin) at mas humatak ng marami pang mamimili... tinataboy sila na parang mga pesteng hayup at sinisira, sinasabotahe ang mga paninda ng mga otoridad.

Ngayon, pag-uusapan rin ba natin ang pagbubuwis sa kanila?

Eh kamusta ba ang pagbubuwis ng ating gubyerno sa mga naglalakihang negosyo na gaya na lang ng muli ng mga supermarket na tumatabo ng milyun-milyon araw-araw?

Naisulat ko na nga minsan rito ang napuna kong tila-modus ng ilang mga malalaking supermarket. Ang mga barya-baryang 'di naisusukli na malamang na malinis nilang nalilikom na ligtas sa mata ng kagawaran ng rentas internas.

Milyun-milyon ang maaari nilang matipon at kitain sa loob ng isang taon sa mga baryang 'di isinusukli sa mamimili.

Malaking pera rin itong 'di yata iniimbestigahan at himahabol ng gunbyerno mula sa higanteng negosyo. Samantala, ang kawawang Juan tindero at Juana tindera, muling nahaharap sa isa pang harassment ng estado.

Nasaan ang tunay na pagbabago riyan?

Thursday, July 22, 2010

BASKETBOPOL!

BASKETBOPOL
(isinulat noong Hunyo 19, 2010 nang 3:30 PM, Sabado sa fb)


Kahapon naisip ko lang na mag-indulge sa sentiments ng isang kaibigan na sinulat niya sa kanyang pader. Ito yung sinulat ko.

MAECEL CAYANAN:
"sana ang pinakitang suporta ng mga pinoy sa NBA ay kasing init rin ng pagsuporta para sa ating PBA..."

PETRICK:
"dear kasi the thing is... for the longest time, 'di naman talaga nag-evolve ang PBA into a truly Pinoy brand of basketball kaya nawala ang mga dating milyong fans nito. It had consistently tried to look like NBA na 'di naman naging successful.

At dahil totoo ang sinasabi ko... tingnan mo... people are more interested of NBA, kasi why watch a second-rate na walang identity? Right?

Sa tinagal-tagal na ng PBA at ilang pagpalit ng mga naumumuno nito... 'di man lang nila naisip na mas ilapit ang sport na ito sa mga mamamayan sa lalong pagpapatingkad ng tatak Pinoy sa larong ito.

'Di ba malaki nga ang naitulong nung kampanya nila noon na ginawan ng jingle ni Gary Granada? Ba't naputol yung ganung direksyon ng campaign?

Matatandaan natin na sa loob ng mahabang panahon... naging adik ang mga pinoy sa panonood ng basketbol... pinatunayan ito ng pagkakaroon pa ng kumpitensya ng PBA... ang MBA? Remember?

And the whole time it was operating... it had a higher growth rate than PBA. Phenomenal nga ang pagkakatatag nito.

Again... naroon yung sangkap na 'representative' of the people... of the regions as for the teams in MBA were concerned. Sadly, internal ang naging problema ng MBA... hindi ang popularidad nito at pagsuporta ng mga tao.

Napansin ko kasi personally ang influence ng mga nagpu-produce ng mga segment at iba pang related shows ng PBA nung nasa isang network ako. At dalawa lagi ang reaksyon ko...

una... isang malaking KEBS... dahil bakla ako at walang anumang interesante para sa akin sa larangang ito... isa itong mundo ng mga macho at mala-macho ang pag-iisip at wala rin silang paki sa gaya ko.

ikalawa. Napapataas na lang din ang kilay ko sa sobrang tingkad ng pagka-kolonyal ng hinihugutan ng impluwensya ng mga nagpu-produce nito. Syempre off din ako sa mga taong utak imported. katawan man nila ay narito... pero ang isip at damdamin nila ay naglalakbay sa kanluraning panig ng mundo.

liban pa riyan ang mismong pagi-istruktura ng mga koponan ng PBA. atin nga ba talaga ito? ba't puro ata mga kano na ang naglalaro? O 'di kaya naman ay (tawag nga namin sa bisaya ay) mga konyong 'BisDak' (Bisayang dako o amerkanong hilaw). Teka... magkano nga ba ang sinusweldo sa mga itey?

Again... kung gusto talaga kasi ng PBA na makamit muli ang nawala nitong malalim at matibay na relasyon sa tao... dapat mahalin nito ang mga Pinoy...

kung sino talaga sila, ang karakter nila at mga pamumuhay...

ang tipo ng team work ng mga Pinoy...

ang mga simpleng bagay na nagpapaligaya at nagi-inspire sa kanila...

ang mga bagay na pinapangarap nila na magbubuklod sa kanila...

At muli... siguro sa punto na lang ng pagnenegosyo... marapat lang kasi na seryosong pag-isipan at ikunsidera ng mga namumuno ng PBA at ng mga supplier nito ang pagpapalapad ng kanilang demographics.

Sa panahon ba naman kasi ngayon na napakaraming kumpitensya ng pagpapalabas sa telebisyon at live game ng PBA... nariyan ang iba pang sumisikat ng games na gaya ng football (at futkal) o kahit ang pagi-internet na lang ng mga tao... paano sa tingin nito muling makukuha ang simpatya ng mga mamamayan, di ba?

Paano ang karamihan ng mga babae na hanggang ngayon ay ilang pa rin sa napaka-lalaking entertainment na ito?

Ang mga members ng LGBT... na sa mahabang panahon ay nagkaroon ng trauma na related ang larong ito... re: ang humiliation ng mga bading noong high school P.E. nila na compulsory.

Ang mga kabataan ngayon na wala ng oryentasyon sa laro ng basketbol.

Kung tutuusin, napakalaking chunk pa rin ng merkado ang di nati-tap ng PBA.

Ni wala nga tayong mabalitaang charity at/o advocacy/outreach... o kahit pa CSR project nito na maaaring maglapit muli ng loob ng mga tao sa kanila.

Samantala... marami rin namang international organization na pwede silang paggayahan... tulad na lang nung NGO na naglalayong magbigay ng palaro sa mga batang maralita at katutubo sa buong mundo.

Sa huli... kasi sa napakahabang panahon... buung-buong inalayan ng loyalty at pagmamahal ng mga Pinoy ang basketbol... at marami sa PBA ang yumaman. Pero... gaano ba talaga minahal at kinilala ng PBA ang mga Pilipinong nagtaguyod sa kanila?

Sa totoo lang."
Kung tutuusin, napakalaking chunk pa rin ng merkado ang di nati-tap ng PBA.

Ni wala nga tayong mabalitaang charity at/o advocacy/outreach... o kahit pa CSR project nito na maaaring maglapit muli ng loob ng mga tao sa kanila.

Samantala... marami rin namang international organization na pwede silang paggayahan... tulad na lang nung NGO na naglalayong magbigay ng palaro sa mga batang maralita at katutubo sa buong mundo.

Sa huli... kasi sa napakahabang panahon... buung-buong inalayan ng loyalty at pagmamahal ng mga Pinoy ang basketbol... at marami sa PBA ang yumaman. Pero... gaano ba talaga minahal at kinilala ng PBA ang mga Pilipinong nagtaguyod sa kanila?

Sa totoo lang."